^

PSN Palaro

Energen SEABA Champ

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - May 18 puntos kasama ang apat na tres, si J-Jay Ale­jandro para pangunahan ang Energen Pilipinas na nanalo sa Indonesia, 81-57, upang hiranging kam­peon sa 8th SEABA Under-18 Championship na nagtapos kahapon sa Singapore.

Sina Rey Benedict Nam­batac at Janus Kyle Suarez ay nag-ambag pa ng 15 at 13 puntos para sa tropa ni coach Olsen Ra­cela na matagumpay na nadepensahan ang hawak na kampeonato sa SEABA.

Bago ito ay nanalo mu­na ang Pilipinas sa Ma­lay­sia, 84-65, noong Biyer­nes para makumpleto ang 5-0 sweep at makuha ang karapatang maglaro sa FIBA Asia Championship sa Agosto sa Mongolia.

Tinapos ng Indonesia ang limang bansang kompetisyon tangan ang 4-1 karta at makakasama ng Pilipinas sa Mongolia bukod pa ang host Singapore na tinalo ang Malaysia, 75-58, sa isa pang laro.

“2012 SEABA U18 cham­pions! Next stop Mon­golia for the FIBA-Asia tournament. Thank you Jun Sy, Joel and Ito Lopa,” paha­yag ni Racela sa kanyang tweeter.

Si Jun Sy ang may-ari ng Energen at muling tu­mulong sa Youth team dahil walang pumasok na sponsors na tutulong sa pangangailangan at gastos sa pagbiyahe ng koponan.

Di tulad sa mga nagda­ang laro, dikitan ang laba­nan sa rebounding at a­ngat lamang ang Pilipinas ng dalawa, 43-41, pero nadaan sa teamwork ng Pambansang koponan ang laro sa naitalang 20 assists kum­para sa anim lamang ng Indonesia.

Nagtala rin ng respe­ta­dong 42% shooting ang nationals mula sa 33 of 79 marka kumpara sa 28% lamang ng katunggali sa 19 of 69 na ipinakita.

Walo rin lamang ang turnovers ng Pilipinas at gumawa sila ng 12 steals para magkaroon ng 18 errors ang Indons na naging 17 transition points.

Si Jan Misael Panagan lamang ang umiskor ng doble pigura para sa Indonesia sa kanyang 13 marka.  

ASIA CHAMPIONSHIP

ENERGEN PILIPINAS

J-JAY ALE

JANUS KYLE SUAREZ

JOEL AND ITO LOPA

JUN SY

OLSEN RA

PILIPINAS

SHY

SI JAN MISAEL PANAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with