^

PSN Palaro

Barangay AKTV nagtungo sa Quezon City

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sa pakikipagtulungan ni Konsehal Julian Coseteng ng ikatlong distrito ng Quezon City, nagtungo sa lungsod ang Barangay AKTV, ang grassroots program ng sports news portal ng TV5, para dalhin ang PBA sa mga barangay noong Hun­yo 16 at 17.

Nagsilbing coach si PBA cen­ter Alex Crisano sa mga kabataan sa mga co­­vered courts ng Barangay Old Balara at Barangay Es­­copa 3.

Saksi sa kaganapan si­na PB Beth Daluraya, Fer­nando Ortiz, Ronnie Ta­guba at kani-kanilang mga konseho, SK chairman Paulo Taguba, Kagawad Mileth Bustillo, Danny Vil­la­nueva, Leo Padilla, Ka­­gawad Salvador Mil at Ka­­gawad Billy De Vera.

Inimbita ni Coseteng, apo ng isa sa mga founder ng PBA Mariwasa, ang Barangay AKTV bilang bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran ng kabataan sa lungsod na kanyang pra­­yoridad.

Nagsagawa na din ng libreng basketball clinic ang Ba­rangay AKTV sa iba’t ibang barangay sa QC.

Pinasalamatan ni Co­se­teng ang Team AKTV sa pagbibigay ng pagkaka­taon sa nasabing barangay na makasali sa programa. Ang Barangay AKTV ay idinaos sa pakikipagtu­lungan sa PBA.

Sa AKTV ipinapalabas ang mga laro ng PBA.

Naniniwala si Coseteng, na Assistant Majority Floor Lea­der ng konseho ng QC, na malayo ang mararating ng mga kabataan ng Lungsod Quezon.

ALEX CRISANO

ANG BARANGAY

ASSISTANT MAJORITY FLOOR LEA

BARANGAY

BARANGAY ES

BARANGAY OLD BALARA

BETH DALURAYA

BILLY DE VERA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with