Thunder inaasahang pananatilihin si Brooks
OKLAHOMA CITY --- Sa pamamagitan ng pagpapanatili sa kanilang line-up, umakyat ang Oklahoma City Thunder sa NBA Finals mula sa ilalim.
Nakalapit sila sa pag-angkin sa kampeonato laban sa nagharing Miami Heat, ngunit mas mahirap ngayong kumpletuhin ang Thunder.
Papasok ang Thunder sa offseason na mapapaso ang kontrata ni coach Scott Brooks, habang may isang taon pa sina Sixth Man of the Year James Harden at NBA blocks leader Serge Ibaka.
Hindi rin tiyak ang kinabukasan nina veterans Derek Fisher at Nazir Mohammed.
Nasa mga kamay na ni general manager Sam Presti kung patuloy pa rin silang makakasama nina All-Stars Kevin Durant at Russell Westbrook na kapwa nasa isang long-term deal sa Oklahoma City.
''It's going to be difficult decisions but we'll see what happens,'' wika ni forward Nick Collison. ''Obviously, we want everybody back. We feel like we've got a really good core group and we feel like we can get it done with our group, so hopefully it can happen.''
Ang kontrata ni Brooks ay matatapos ngayong buwan.
- Latest
- Trending