^

PSN Palaro

Gabuco sa finals

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Lumabas ang masid­hing hangarin ni Josie Gabuco na maging isang world champion nang kanyang talunin si Svetlana Gnevanova ng Russia, 12-7, sa semifinals sa light flyweight division sa 2012 AIBA World Women’s Boxing Championships kahapon sa Qinhuangdao, China.

Sa unang pagkakataon sa torneong kinatatampukan ng 305 pinakamahuhusay na women’s boxers mula sa 70 bansa ay nakita ng 25-anyos na si Gabuco na napag-iwanan siya ma­tapos ang first round ng katunggali, 0-2.

Pero sa halip na manlu­mo ay naging hamon ito para sa boksingerang natalo sa tagisan upang ma­ging panlaban sa flyweight sa isang London Olympic qualifying weight class, upang dominahin ang hu­ling tatlong rounds.

Sa ikalawang round gu­­mana ang mga kamao ni Gabuco para sa 4-2 is­kor at magkatabla sila ni Gnevanova.

Bitbit na ang kumpiyan­sa, tuluyang hiniya ni Gabuco ang katunggali sa su­munod na dalawang rounds gamit ang 4-1 at 4-2 iskor para marating ang Finals.

Makakasukatan ni Ga­buco na hinigitan na ang bronze medal na napana­lunan noong 2008 World Championships, si Shiqi Xu ng China para sa gold medal.

Si Xu na ang sandata ay ang bilis ng mga kamao ay nanalo laban kay Nazym Kyzaybay ng Kazakhstan sa 17-10 iskor.

BOXING CHAMPIONSHIPS

GABUCO

JOSIE GABUCO

LONDON OLYMPIC

NAZYM KYZAYBAY

SHIQI XU

SHY

SI XU

SVETLANA GNEVANOVA

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with