^

PSN Palaro

Viloria umiskor ng TKO win kay Romero

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Makakatulog na nga­yon ng mahimbing si world fly­weight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria na walang anumang bu­mabagabag sa kanyang isi­pan. 

Umiskor si Viloria ng isang ninth-round technical knockout (TKO) win laban kay Mexican challenger Omar Niño Romero sa ka­nilang pangatlong pagkikita ka­hapon sa Yñares Sports Arena sa Pasig City.

“I finally got the monkey off my back,” sambit ng 31-anyos na si Viloria sa kan­yang panalo sa 35-an­yos na si Romero.

Ang Mexican fighter ang kumuha sa dating bitbit na World Boxing Council (WBC) light flyweight belt ni Viloria noong Agosto ng 2006.

Napasakamay muli ni Vi­loria ang korona nang ba­wiin ito ng WBC kay Romero nang maging positibo sa paggamit ng banned substance sa kanilang rematch noong Nobyembre ng 2006 na nauwi sa draw.

“When I look back at all the things I’ve gone through these past few years all this happened because I put in all the work,” ani Viloria. “Without all the hard work, the times we woke up at 4:00 a.m. to hit the mountains, without all of that this wouldn’t happen.”

Napanatiling hawak ni Viloria ang kanyang World Boxing Organization (WBO) flyweight crown sa ikalawang sunod na pag­kakataon.

Kumonekta si Viloria ng isang right straight na nag­pauga kay Romero sa round nine kasunod ang pag­papaulan ng mga suntok ng Fil-Am boxer.

Kasabay ng pagpapa­hinto ni referee Michael Or­tega sa laban sa 2:09 ay umakyat sa boxing ring ang cornerman ni Romero para ipatigil ang pambubugbog ni Villoria kay Romero.

May 31-3-0 win-loss-draw ring record ngayon si Viloria kasama ang 18 KOs kumpara sa 30-5-2 (12 KOs) card ni Romero.

Ilang straight punches ang kaagad na ibinigay ni Viloria kay Romero hanggang sa second round.

Mula sa kanyang right cross ay napadugo ni Viloria ang kaliwang kilay ni Ro­mero sa fifth round.

Sa undercard, binigo naman ni dating world titlist Rodel Ma­yol (31-5-2, 22 KOs) si dating world champion Ju­lio Cesar Miranda (37-7-1, 29 KOs) via unanimous decision sa kanilang 10-round, non-title bout.

Pinayukod ni Viloria si Miranda para sa bakanteng WBO flyweight crown sa pa­mamagitan ng isang unanimous decision win noong Hulyo 16, 2011.

ANG MEXICAN

CESAR MIRANDA

HAWAIIAN PUNCH

MICHAEL OR

OMAR NI

PASIG CITY

RODEL MA

ROMERO

SHY

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with