^

PSN Palaro

Cast Ng Q'finals kumpleto na

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Tinapos na ng Adamson University ang labanan para sa puwesto sa quarterf­inals sa 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart nang kunin ang 25-18, 25-16, 14-25, 25-22 panalo sa Letran College sa pagtatapos ng eliminasyon kahapon sa The Arena sa San Juan Gym.

Ang beteranong si Ne­rissa Baustista ay kuma­wala ng 22 hits kasama ang 17 attacks at siyang nagdomina sa huling tagpo sa fourth set upang pawiin ng Lady Falcons ang pagdikit ng Lady Knights mula sa 20-15, tungo sa 23-22.

Ang malakas na spike ni Bautista na lumusot sa blockers ng kalaban ang nagbigay ng ika-25th puntos para sa Adamson upang tapusin ang single round elimination sa Group B tangan ang 2-2 baraha.

Ang pagkatalo ng Letran ay kanilang ikaapat na sunod upang pormal na mamaalam sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza bukod pa sa ayuda ng Mikasa at Accel.

Dahil sa pangyayari, libre na ring umusad sa quarterfinals ang University of St. La Salle Bacolod na may roong 1-3 baraha.

Inangkin naman ng NCAA champion Perpetual Help ang ikalawang puwesto sa Group A gamit ang 25-21, 25-17, 25-20 straight sets panalo sa Far Eastern University sa unang laro.

May 13 attack tungo sa 17 hits si Thai import Kunbang Pornpimol para pangunahan ang Lady Altas sa paghablot ng ikatlong panalo sa apat na laro upang sumunod sa nagdedepensang Ateneo na hindi natalo sa apat na laro sa nasabing grupo.

Dominado ng Lady Altas ang Lady Tamarams dahil hinawakan nila ang 44-30 bentahe sa spikes at 10-4 sa blocks upang ipatikim sa FEU ang ikalawang pagkatalo laban sa dalawang panalo.

Bigo man ay maglalaro rin ang FEU sa quarters kasama ang National U na may 1-3 baraha.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

GROUP A

GROUP B

KUNBANG PORNPIMOL

LADY ALTAS

LADY FALCONS

LADY KNIGHTS

LADY TAMARAMS

LETRAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with