^

PSN Palaro

Elite pipigilan ang pananalasa ng Road Warriors

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Patatatagin ng Black­water Sports at Café France ang laban para sa ma­ha­lagang puwesto sa pag­pa­pa­tuloy ng 2012 PBA D-League Foundation Cup nga­yon sa Yñares Sports Are­na sa Pasig City.

Bumalik sa pagsalo sa mahalagang ikalawang pu­westo sa team standing ang hanap ng Elite sa pag­su­kat sa wala pang talong NLEX sa alas-2 ng hapon.

Mapanatiling okupado ang mahalagang ikaanim na puwesto ang nais naman ng Café France sa pag­bangga sa wala pang panalong Cagayan Rising Suns sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon.

Talunan ang tropa ni coach Leo Isaac sa hu­ling laro laban sa Cebuana Lhuillier, 84-101, upang bu­maba ito tungo sa ikatlong puwesto sa 4-2 baraha.

Mahalaga ang makuku­hang panalo dahil ang papangalawang koponan ma­tapos ang single round elimination ang diretsong aabante sa semifinals.

Wala pang talo ang Road Warriors matapos ang pitong laro at maliban sa mainit na laro ng NLEX, hindi rin magagamit ng Elite ang serbisyo ni 6’6 Fil-Am center Kelly Nabong na sus­­pindido sa laban matapos sikuhin si Kevin Alas ng Gems sa huling asignatura.

Hindi naman magpa­pabaya ang NLEX sa ka­nilang laro dahil pursigido silang kunin ang 9-0 sweep sa elimination round.

vuukle comment

CAGAYAN RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

KELLY NABONG

KEVIN ALAS

LEO ISAAC

PASIG CITY

ROAD WARRIORS

SHY

SPORTS ARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with