^

PSN Palaro

Petron Beach Volley hahataw ngayon

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ipakikita nina Jennifer Zarate at Cherry Nunag ng De La Salle University-Dasmariñas na taglay din nila ang galing na nakita sa mga dating koponan sa pagbubukas ngayon ng 2nd leg ng 2012 Petron Ladies Beach Volley Tournament sa Lingayen, Pangasinan.

Ang sand court ay inila­gay sa harap ng Provincial Capitol at inaasa­hang dudumugin ng mga ma­nonood ang dalawang araw na torneo na suportado rin ng Mikasa Balls, SPEEDO at pamahalaang lokal ng Pangasinan.

Ang palarong ito ay ga­gamitin bilang bahagi sa isineselebrang Pista’y Dayat na ginagawa upang ipagbunyi ang masaganang ani ng mga mangingisda.

“Malaking hamon sa amin ang sundan ang ya­pak ng mga naunang mga players na nagbigay ng karangalan sa aming pa­aralan. Gagawin namin ang lahat ng makakaya para maabot ang goal na ito,” wika ng 19-anyos na si Zarate.

Ang pinakamatingkad na La Salle-Dasma player ay si Jennifer Manzano, isang Pangasinense, na dinomina ang kompetisyon sa nasabing lugar tatlong taon na ang nakalipas ka­sama ni Satchel Senupe.

Kasali rin ang Rizal Tech­nological University, College of St. Benilde, Perpetual Help-GMA, University of the East at Assumption habang may koponan din mula sa host Pangasinan at Baguio na magdaragdag-kulay sa kompetisyong inor­ganisa ni Tisha Abundo.

CHERRY NUNAG

COLLEGE OF ST. BENILDE

DE LA SALLE UNIVERSITY-DASMARI

JENNIFER MANZANO

JENNIFER ZARATE

LA SALLE-DASMA

MIKASA BALLS

PANGASINAN

PERPETUAL HELP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with