^

PSN Palaro

Puwestuhan Sa Huling Semis Slot

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Iinit ang tagisan para sa ikalawa at huling para sa awtomatikong se­m­i­finals slot sa pagsabak sa aksyon ng tatlo sa apat na koponan na nasa ikalawang puwesto sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa San Juan Gym.

Unang sasalang ang Big Chill laban sa Boracay Rum sa ganap na alas-3 ng hapon bago saksihan ang mainit na tagpuan ng RnW Pacific Pipes at Cebuana Lhuillier dakong alas-5 ng ha­pon.

Ang Super Chargers, Steel Masters at Gems ay kasalo ng pahingang Blackwater Sports sa ikalawang puwesto tangan ang 4-2 karta kaya’t mahalaga ang resultang makukuha ng tatlong nauunang ko­po­nan para sa asam na pagkopo sa insentibong ibibigay sa mangungunang dalawang koponan.

Selyado na ng two-time defending champion NLEX Road Warriors ang isang semis seat dahil sa walang dungis na 6-0 baraha.

 Galing sa 73-61 panalo laban sa Junior Powerade ang tropa ni coach Robert Sison at kailangan nilang maipakita ang winning form dahil ang Waves ay may ipinagmamalaking 2-game winning streak para manatiling palaban sa quarterfinals slot kahit nagkaroon ng 0-3 start.

Isa pang panalo para sa bataan ni coach Lawrence Chongson ang magpapatibay sa kapit nila sa mahalagang ikaanim na puwesto sa 10-koponang liga.

Sa format ng kompetis­yon, ang apat na mangu­ngulelat matapos ang single round robin ay ma­ma­ma­hinga na.

Tututukan din ang bakbakan sa tampok na laba­nan dahil ang mananalo ay mananatili sa ikalawang puwesto habang bababa sa ikatlo ang matatalo.

Di hamak na mas be­te­ranong koponan ang Gems na humirit ng 101-84 panalo sa Blackwater Sports sa huling asignatura para makatikim din ng pa­nalo matapos ang dalawang laro ang bagong upong headcoach Beaujing Acot.

Pero hindi dapat magkumpiyansa ang Gems da­hil mainit ang Steel Masters matapos makapag­lu­bid-lubid ng apat na sunod na panalo upang bale­walain ang dalawang sunod na kabiguan sa kaagahan ng torneo.

“Ang maganda sa team ay gumaganda na ang takbo bawat laro,” wika ni RnW Pacific Pipes coach Alfredo Jarencio.

ALFREDO JARENCIO

ANG SUPER CHARGERS

BEAUJING ACOT

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CEBUANA LHUILLIER

PACIFIC PIPES

SHY

STEEL MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with