^

PSN Palaro

Quezon mermaid best swimmers sa PRISAA

-

CEBU CITY, Philippines - Apat na gintong medalya ang nilangoy ni Jackelyn Orig para maging atletang may pinakamaraming gold medal sa PRISAA Natio­nal Collegiate Games sa pagsasara ng swimming action sa Cebu City Sports Center dito.

Sinapawan ng 5-foot-2 pride ng Lucena, Quezon na si Orig si hometown ace Loren Dale Echavez matapos humakot ng kabuuang pitong gintong medalya.

Matapos angkinin ng 16-anyos na St. Anne College of Lucena freshman ang mga gold medals sa women’s 50-meter butterfly (31.16) at 200 indi­vi­dual medley (2:40.62) para sa bagong meet standards, muli siyang nagbida sa 4x100 medley relay (5:29.58) at 4x200 freestyle (10.15.4).

“Masaya po ako pero pagod sa dami ng events na sinalihan ko ngayon,” sabi ni Orig para sa pagkumpleto ng kanyang se­ven-for-seven events kasama na ang kanyang mga panalo sa 100, 200 butterfly at 400 IM.

Insentibong P7,000 din ang nakamit ni Orig, anak ng isang junk shop driver, kung saan ang bawat gold medal ay may katumbas na P1,000.

Hinirang naman si La Salle-Dasmariñas freshman Jerome Magallanes bilang best men’s swimmer makaraang idagdag ang mga ginto sa men’s 50-meter breaststroke (32.46) at 200 IM (2:28.99) para sa kabuuan niyang 5 gold medals bilang pambato ng Region 4-A.

Bagamat namahala ang CALABARZON sa swimming, ang Central Visayas (Region 7) naman ang patuloy na humaha­wak sa overall medal stan­dings sa kanilang 48 golds, 15 silvers at 22 bronzes.

Sila ay sinundan ng Re­gion 4-A (32-18-28), Western Visayas (Region 6) (26-24-21) at Southern Mindanao (Region XI) (6-27-27).

CEBU CITY SPORTS CENTER

CENTRAL VISAYAS

COLLEGIATE GAMES

JACKELYN ORIG

JEROME MAGALLANES

LA SALLE-DASMARI

LOREN DALE ECHAVEZ

SHY

SOUTHERN MINDANAO

ST. ANNE COLLEGE OF LUCENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with