^

PSN Palaro

1st Mango Man Triathlon ikinasa sa Guimaras

-

MANILA, Philippines - Magsasagwa ang Guimaras ng 1st Mango Man Triathlon at 2nd Manggahan Fun Run sa Abril 15 bilang bahagi ng 19th Manggahan Festival 2012 (Abril 10-22) na isang bonggang pagtatampok ng palakasan, kultura at agri-tourism at makulay na proyekto ng probinsya sa loob ng maraming taon. 

Ang triathlon, gagamitin ang Olympic standard (3km swim, 40k bike, 10k run) na kahalintulad sa CamSur noong isang taon, ay magkakaroon ng dalawang kategorya. Ito ay ang solo at relay.

Ang swim event ay gaganapin sa Raymen Beach Resort sa Alubihod sa bayan ng Nueva Valencia, habang ang fun run ay gagawin sa Provincial Capitol Grounds.

Si Gov. Felipe Hilan Nava, M.D. ang magpapaputok ng gun start para sa triathlon at fun run at sina triathlon elite su­perstars LC Langit at Monica Torres ang magpapasinaya sa event.

Tatayo naman sina Phillip Chua ng MultiSports Iloilo at Teresita Siason ng Pro­vincial Risk Reduction Management Center bilang race directors.

Ang twin event ay inoorganisa ng Guimaras Manggahan Foundation at Multi­Sports Iloilo. Ang mga katulong ng event organizers upang maging matagumpay ang race ay ang Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Tourism Office, Land Transportation Office, mga barangay chairman at kagawad.  

ABRIL

FELIPE HILAN NAVA

GUIMARAS MANGGAHAN FOUNDATION

MANGGAHAN FESTIVAL

MANGGAHAN FUN RUN

MANGO MAN TRIATHLON

MONICA TORRES

NUEVA VALENCIA

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with