Boston binitbit ni Pierce sa liderato ng AD
INDIANAPOLIS - Umiskor si Paul Pierce ng 24 points para tulungan ang Boston Celtics sa 86-72 paggupo sa Indiana Pacers.
Kinontrol ng Celtics ang laro at hinigpitan ang depensa para limitahan ang Pacers sa pinakamababa nitong point total ngayong season.
Nagdagdag si Ray Allen ng 19 points, habang may 15 si Kevin Garnett at 12 si Rajon Rondo para sa pag-angkin ng Celtics sa liderato ng Atlantic Division.
Nagtala si Allen ng 5-of-11 shooting sa 3-point range, kasama dito ang 3-of-5 clip sa second half.
Nakahugot din ng suporta ang Boston mula kay rookie Greg Stiemsma, humalili kay Jermaine O’Neal na sumailalim sa isang left wrist surgery.
Naglista si Stiemsma ng 10 points, season-high 9 rebounds at 5 blocks laban kay All-Star center Roy Hibbert ng Pacers.
Tumipa si Danny Granger ng 20 points at May 16 si David West para sa Indiana.
- Latest
- Trending