^

PSN Palaro

Patriots Ipinagpag Ang Slammers

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi napigil ang pagpapanalong AirAsia Philippine Patriots nang makahugot ng magandang laro sa mga off the bench players patungo sa 89-68 panalo kontra sa Chang Thailand Slammers sa AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) noong Sabado ng gabi sa Yñares Sports Arena sa Pasig City.

Kumana muli sina import Anthony Johnson at Nakiea Miller pero malaking papel ang ginawa nina Eder Saldua at Eddie Laure sa ikatlong yugto kung saan ibinaon ng Patriots ang nagdedepensang kampeon.

Nagpakawala ng 14 sunod na puntos ang Patriots sa unang minuto ng ikatlong yugto upang ang dikitang 32-33 halftime score pabor sa bisitang koponan ay naging 46-33.

 Mula rito ay hindi na nagpabaya pa ang tropang pag-aari nina Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco patungo sa pananatili sa liderato mula sa kanilang 12-2 baraha.

“Maganda ang full court press namin kaya nakabawi ka­mi matapos ang mahinang laro sa first half. Basta ma­ganda ang depensa namin ay makakakuha kami ng maraming puntos,” wika ni coach Glenn Capacio.

Ininda naman ng Slammers ang pagpasok ng mga ba­gong players dahilan upang mangapa ang mga ito sa kanilang sistema at malaglag sa ika-10 kabiguan ma­tapos ang 15 laro.

Nanguna sa Slammers si Calvin Williams sa kanyang 27 puntos at 20 rebounds, habang ang bagong import na si Chris Garnett ay mayroong 15 puntos.

Susunod na kakaharapin ng Patriots ang Bangkok Cobras sa Miyerkules sa Bangkok, Thailand.

ANTHONY JOHNSON

BANGKOK COBRAS

BASKETBALL LEAGUE

CALVIN WILLIAMS

CHANG THAILAND SLAMMERS

CHRIS GARNETT

EDDIE LAURE

EDER SALDUA

GLENN CAPACIO

MIKEE ROMERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with