^

PSN Palaro

Magsanoc head coach na ng Bedans, kapalit ni Lim

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ipagkakatiwala ng San Beda ang kampanya para sa ikatlong sunod na titulo sa NCAA men’s basketball sa kanilang dating manla­laro na si Ronnie Magsa­noc.

Ang 45-anyos na tinaguriang Point Laureate sa PBA ay suportado ng mga San Beda alumni upang siyang pumalit sa puwestong iniwan ni Frankie Lim.

Si Lim na inilagay bilang head coach noong 2007 at nanalo ng apat na titulo ka­sama ang makasaysayang 18-0 sweep, dalawang season na ang nakaraan, ay nagbitiw noong Martes upang tapusin ang kontro­bersya matapos patawan ng 2-year ban ng NCAA Policy board nang naki­pag­suntukan kay San Sebas­tian women’s volleyball men­tor Roger Gorayeb sa San Beda Gym noong nakaraang taon.

Ang number one sup­porter ng Lions na si Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan ay sang-ayon din sa hakbang na ito dahil si Magsanoc na dating manlalaro sa Red Cubs ay kasalukuyang assistant coach sa kanyang pag-a­aring koponan na Meralco Bolts sa PBA.

Naunang pangalan na naging matunog ay si­na assistant coach Ed Cordero, Jamike Jarin na assistant coach ng Ateneo at si Dindo Pumaren na naisuot din ang uniporme ng Red Cubs.

Bukod sa suporta ng mga alumni, ikinonsidera rin ang matagumpay na basketball career ni Magsa­noc na kabilang din sa 25 Greatest Player ng Philippine Basketball Association.

Tikom naman ang bibig ng mga opisyales ng San Beda hinggil rito at ayon kay NCAA MANCOM Re­presentative Jose Mari Lac­son ay anumang araw mula ngayon ay magpapa­labas ng opisyal na pahayag ang paaralan hinggil sa bagay na ito.

Bago nakuha sa Bolts, si Magsanoc, na pinagkampeon ang UP sa UAAP noong 1986 kasama sina Benjie Paras at Eric Altamirano, ay naupo rin bilang as­sistant coach sa Purefoods Tender Juicy Giants.

Ang kanyang malawak na karanasan bilang manlalaro at assistant coach ay tiyak na makakatulong para sa asam na tagumpay ng Red Lions.

vuukle comment

BENJIE PARAS

DINDO PUMAREN

ED CORDERO

ERIC ALTAMIRANO

FRANKIE LIM

GREATEST PLAYER

JAMIKE JARIN

RED CUBS

SAN BEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with