^

PSN Palaro

Mendoza, Capadocia kumakasa pa

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi nawala ang tikas ng paglalaro nina Marian Jade Capadocia at Jurence Zosimo Mendoza upang ma­alpasan ang second round sa 23rd Mitsubishi Lancer International Tennis Championships kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

 Kinalos ni Capadocia ang 14th seed Klaartje Lie­bens, 6-3, 6-1, habang si Mendoza ay pinagpahinga ang fourth seed at 45th ranked sa mundo na si James Frawley ng Australia, 6-1, 6-4, para maipagpatuloy ang paghahangad sa kampeonato sa singles sa kompetis­yong inorganisa ng Philta at suportado ng Mitsubishi Lancer Philippines na may basbas ng International Tennis Federation (ITF).

“Sinikap ko lang na ibalik-balik ang bola niya at isi­nantabi ko ang kaunting bad calls na nangyari,” wika ni Capadocia.

 Tatangkain ng 16-an­yos na mapantayan ang best finish sa tatlong sunod na paglalaro sa kompetis­yon na isang quarterfina­list sa pagharap sa third seed na si Barbora Krejcikova ng Czech Republic na nagwagi kay Kanika Vaidya ng India, 6-7(5), 6-3, 6-2.

Mga aces at magagadang returns ang na­ging puhunan naman ng 15-anyos na si Mendoza upang kalusin si Frawley.

Ito ang ikalawang taon pa lamang ni Mendoza na practice player sa Philippine Davis Cup at nahigitan na niya ang first round na naabot noong 2011.

BARBORA KREJCIKOVA

CAPADOCIA

CZECH REPUBLIC

INTERNATIONAL TENNIS FEDERATION

JAMES FRAWLEY

JURENCE ZOSIMO MENDOZA

KANIKA VAIDYA

KLAARTJE LIE

MENDOZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with