Lucas bumandera sa Bulls
CHICAGO--Umiskor si John Lucas III ng 24 points para pamunuan ang Chicago Bulls sa 106-102 panalo laban sa Miami Heat sa labanan ng dalawang nangungunang koponan sa NBA Eastern Conference.
Nagtayo ang Bulls ng isang 16-point lead sa second quarter at nagtala ng isang 17-point lead sa third period.
Nanatili sa kanilang porma ang Bulls, naglaro nang wala si leading scorer Derrick Rose dahilan sa injury, sa huling minuto ng final canto nang makalapit ang Heat sa 2 puntos.
Tumipa naman si Dwyane Wade ng 36 points para sa Miami kasunod ang 35 ni LeBron James.
Ito ang pang 11 laro na iniupo ni Rose ngayong season dahil sa injury kagaya nina Richard Hamilton at Luol Deng.
Humugot si Wade ng 19 points sa fourth quarter. Ang kanyang jumper sa huling 1:20 ang nagdikit sa Heat sa 96-100 bago ang dalawang freethrows ni Kyle Korver sa huling 17 segundo para sa 102-96 abante ng Bulls.
- Latest
- Trending