^

PSN Palaro

Bakers inilusot ni Knuttel; Pua sinuspindi na pinagmulta pa

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bumulusok ang laro ng Café France sa bagitong Erase Plantcenta sa huling yugto tungo sa 74-57 dominasyon sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang bagong hugot na si Jens Knuttel ay may 12 puntos at kalahati rito ay ibinagsak nang pakawalan ng Bakers ang 21-7 run upang makalayo mula sa 53-50 iskor.

“Mga bata ang mga players ko at walang star players pero puno sila ng energy kung maglaro,” masayang pahayag ni Bakers coach Edgar Macaraya.

Si Mark Guillen ay nag­hatid din ng 12 puntos ha­bang 11 pa ang ibinigay ni Josan Nimes at si Ramon Mabayo ay may 15 re­bounds para sa Café France na kasalo ngayon ng nagdedepensang NLEX at Blackwater Sports.

Kontrolado ng Erasers ang rebounding, 58-47, pero ininda nila ang mahinang 4 of 20 shooting sa huling yugto para mabigo sa asam na magarang sa­lang sa liga.

Samantala, pinatawan ng Commissioner’s office ng tatlong larong suspension at multang P50,000 ang bagitong coach ng Ca­gayan Rising Suns na si Alvin Pua dahil sa panu­nuntok kay referee Jessie Jarabejo noong Lunes sa isang tune-up game laban sa National University Bulldogs sa NU Gym.

Binalaan din ni Commissioner Chito Salud si Pua na kung mauulit ito sa isang official game, tulu­yan siyang mapapatalsik sa liga.

vuukle comment

ALVIN PUA

BLACKWATER SPORTS

COMMISSIONER CHITO SALUD

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

EDGAR MACARAYA

ERASE PLANTCENTA

JENS KNUTTEL

JESSIE JARABEJO

JOSAN NIMES

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with