^

PSN Palaro

'Di kuntento sa semis

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bagamat sinabi niyang hindi nila itinataas ang anumang ekspektas­yon sa Philippine Azkals, aminado naman si coach Hans Michael Weiss na hindi kontento ang kanyang bataan na maging isang semifinalist lamang sa idinadaos na 2012 AFC Challenge Cup.

“We are very happy to reach semis because not many people had thought that we could reach semis. We are here to make our country proud and we will try our best to reach final,” wika ni Weiss.

Sa ganap na alas-4:30 ng hapon sa Dasarath Ran­gasala Stadium sa Kath­mandu, Nepal ay ta­tangkain ng naunang deha­dong Azkals na makapasok sa finals sa pagbangga sa Turkmenistan.

Ang mananalo sa bak­bakang ito ang siyang ma­ka­kaharap sa finals ng magwawagi sa pagitan ng nag­dedepensang North Korea laban sa Palestine sa isa pang semis match.

Ito ang ikalawang pag­ka­kataon na magtutuos ang Pilipinas at Turkmenis­tan at ang unang labanan ay nangyari sa 2009 AFC Challenge Cup qualifiers at ang huli ay nanalo sa 5-0 iskor.

Kinilala ng katungga-ling coach na si Yazguly Hojageldiyev na malaki ang ipinagbago ng bansa sa football pero kumbinsido siya na ang kanyang mas may karanasan na bataan ang mangingibabaw sa laro.

“I have seen all the matches that Philippine pla­yers in this championship. We respect our opponents but we are ready to play and we will win the match,” wika ni Yazguly.

Pilay ang Pambansang koponan sa mahala­gang laban dahil hindi nila magagamit sina Angel Gu­irado at James Young­hus­band na suspindido sa larong ito matapos bigyan ng kanilang ikalawang yellow card sa torneo sa laban kontra Tajikistan na kanilang tinalo, 2-1, noong Martes.

Sa positibong aspeto na lamang tinitingnan ni Weiss ang pangyayari upang hindi masira ang morale ng kanyang inspiradong manlalaro.

Si Phil Younghusband na inangkin ang tatlo sa apat na goals ng Pilipinas sa torneo, ang mangungu­na sa pag-atake habang ang matibay na depensa na nakatuon sa mahusay na goalie na si Neil Ethe­ridge ang isa pang susi pa­ra mahigitan ang pinakamataas na pagtatapos ng Pilipinas sa ikalawang lahok sa Challenge Cup.

ANGEL GU

CHALLENGE CUP

DASARATH RAN

HANS MICHAEL WEISS

JAMES YOUNG

NEIL ETHE

NORTH KOREA

PHILIPPINE AZKALS

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with