^

PSN Palaro

Bulls sinuwag ang Knicks

-

CHICAGO--Bagamat kumamada para sa Chica­go Bulls, hindi pa din naitago ni Derrick Rose ang pagkadismaya matapos ang laro.

Naglista si Rose ng 32 points, 6 rebounds at 7 assists para pangunahan ang Bulls sa 104-99 paggiba sa Knicks para sa kanilang pang-10 panalo sa huli nilang 11 laro kasabay ng pagpapatikim sa Knicks ng ikaanim na kamalasan.

Nagposte si Rose ng malamyang 12-for-29 fieldgoal shooting mula na din sa depensa ng Knicks.

“I’ve got to be the only superstar in the league that’s going through what I’m going through right now,” sabi ni Rose sa pagiging pisikal sa kanya ng mga Knicks.

Nakuha ng Bulls ang panalo sa kabila ng hindi paglalaro nina injured star­ters Luol Deng at Richard Hamilton bukod pa kay reserve CJ Watson.

Nagdagdag naman si Taj Gibson ng 15 points at team-high 13 boards para sa Chicago, humakot ng 56 rebounds kumpara sa 38 ng New York.

Umiskor si Carmelo Anthony ng 21 points para sa Knicks, habang may 20 si Amare Stoudemire. May pinagsamang 7 points lamang sina Anthony at Stoudemire sa kabuuan ng fourth quarter.

Naglista si Jere­my Lin ng 15 points at 8 assists para sa Knicks ngunit may 4-of-11 fieldgoal shooting.

AMARE STOUDEMIRE

BAGAMAT

CARMELO ANTHONY

DERRICK ROSE

KNICKS

LUOL DENG

NAGDAGDAG

NAGLISTA

NEW YORK

RICHARD HAMILTON

TAJ GIBSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with