Navasero, Africa suportado ang PSC
MANILA, Philippines - Suportado nina baseball president Hector Navasero at fencing head Victor Africa ang prioritization ng sports na ipinaiiral ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC).
Sa lingguhang SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon na kung saan naging bisita ang dalawa, nagkaisa sina Navasero at Africa na nararapat lamang na ipairal na ito lalo pa’t problema pa rin ng PSC ang pondo upang tustusan ang pangangailangan ng lahat ng NSAs.
“Hirap sa pera ang PSC kaya nag-prioritized sila. Pero ang mga sports na wala sa listahan ay puwede namang masama kung magkaroon ng magandang programa at mag-umpisang manalo sa international competitions,” wika ni Navasero.
Sampung sports na kinabibilanganan ng boxing, taekwondo, athletics, swimming, wushu, archery, wrestling, bowling, weightlif-ting at billiards ang siyang susuportahan na lamang ng PSC sa taong ito dahil may laban ang mga ito sa Asian Championships, World Championships at kahit sa Olympics.
May mahigit na 150 atleta na medalists ng 26th SEA Games ang tatanggap din ng ayuda sa PSC pero ang iba na wala sa kategorya ay bibigyan pa rin ng tulong pero mas mababa na ito kumpara sa dating tinatanggap.
- Latest
- Trending
























