^

PSN Palaro

Lady Eagles tinapos na ng Archers, reyna sa UAAP Volley

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi pinaporma ng La Salle ang karibal na Ateneo tungo sa 25-16, 25-22, 25-13, straight sets panalo at sungkitin uli ang kampeo­nato sa UAAP women’s volleyball na pinaglabanan kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tinapos ni Charlene Cruz ang limang taong pag­lalaro sa collegiate league taglay ang 12 puntos habang si Michelle Gumabao ay may apat sa sampung blocks na ginawa ng Lady Archers na tinapos ang liga tangan ang 16-1 karta. 

Ang tanging kabiguan na nalasap ng La Salle ay sa kamay ng Ateneo sa unang tagisan sa finals pero agad nilang isinantabi ito nang kunin ang sumunod na dalawang laro para ibigay din kay coach Ramil de Jesus ang kanyang ikapitong titulo sapul nang hinawakan ang koponan.

“Kahit natalo kami sa Game One ay hindi nawala ang tiwala namin sa kaka­yahan na manalo uli. Hindi nawala ang focus at ang pagtutulungan namin,” pahayag ng tubong Bulacan na si Cruz na may apat na kampeonato at siya ring hinirang bilang Finals MVP.

May 12 puntos si Alyssa Valdez pero hindi siya nabigyan ng suporta ng mga kakampi at ang team skipper na si Fille Cainglet ay nalimitahan lamang sa pitong hits para makontento ang Lady Eagles sa ikalawang puwesto.

Nakisalo sa mga nag­diwang ang FEU na ki­num­pleto ang dominas­yon sa dating kampeon na UST gamit ang 25-27, 25-15, 25-19, 21-25, 15-13, sa men’s division.

Si JR Labrador na na­sa huling taon ng paglalaro sa Tamaraws ay nagkalat ng 22 hits, kasama ang 4 blocks, habang si Arvin Avila ay may 19 puntos upang tapusin ang cham­pionship series sa 2-0 karta.

ALYSSA VALDEZ

ARVIN AVILA

ATENEO

CHARLENE CRUZ

FILLE CAINGLET

GAME ONE

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with