^

PSN Palaro

2 PBA games idaraos sa Dubai

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Dalawang magkasunod na laro sa 2012 PBA Commissioner's Cup ang mapapanood ng mga Overseas Filipino Wor­kers (OFWs) sa Dubai sa Huwebes at Biyernes.

Lalabanan ng Barako Bull ang Rain or Shine sa alas-8 ng gabi sa Huwebes bago sagupain ng Elasto Painters ang Ginebra Gin Kings sa alas-7 ng gabi sa Biyernes sa Al-Shabab Sports Center sa United Arab Emirates.

Ipapalabas sa AKTV sa IBC Channel 13 ang na­sabing dalawang laro sa Sabado simula sa alas-6:30 ng gabi.

Naging masaklap na karanasan para sa Talk 'N Text ang kanilang dalawang sunod na paglalaro sa Dubai sa 2011 PBA Governor’s Cup noong Hunyo 30 at Hulyo 1 matapos magkaroon ng problema kay promoter Ramon Pizarras ng Filipino Basketball Center.

Hindi nabayaran ng buo ni Pizarras ang hotel bills at flights pabalik ng PBA delegation.

Ginulat ng B-Meg ang Talk ‘N Text, 111-105, noong Hunyo 30 bago na­kabangon sa pamamagitan ng kanilang 123-113 paggupo sa Ginebra noong Hulyo 1.

AL-SHABAB SPORTS CENTER

BARAKO BULL

BIYERNES

DUBAI

ELASTO PAINTERS

FILIPINO BASKETBALL CENTER

GINEBRA GIN KINGS

HULYO

HUNYO

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with