^

PSN Palaro

Boozer, Deng ibinalik ang Bulls sa porma

-

CHICAGO--Alam ng Chicago Bulls na mas gaganda pa ang kanilang laro sa pagbabalik ni Derrick Rose.

Bagamat hindi pa rin nag­lalaro si Rose, umiskor naman sina Carlos Boo­zer at Luol Deng ng tig-23 points para igiya ang Chicago sa 89-80 panalo laban sa Boston Celtics ma­tapos sayangin ang isang 16-point lead.

Ito ang pang apat na laro na iniupo ni Rose bunga ng kanyang lower back pain.

“I think we’re all confident in our abilities, but we know that we’re not getting to where we want to get to without that guy,” sabi ni center Joakim Noah.

Itinala ng Bulls ang isang 16-point lead sa ka­agahan ng third quarter bago naagaw ng Boston ang unahan sa 61-60 sa fourth period mula sa alley-oop dunk ni Chris Wilco.

Ngunit isang 12-point run ang bumasag sa 69-69 para sa pang pitong panalo ng Bulls sa kanilang huling walong laban.

Nagtala rin si Deng ng 10 assists matapos magposte ng career-high 11 assists sa panalo ng Chicago kontra sa Sacramento noong Martes.

Sa Portland, Oregon, gumawa si Blake Griffin ng 21 puntos at 14 rebounds upang trangkuhan ang Los Angeles Clippers sa 74-71 paghiya sa host team.

Ito ang unang panalo ng Clippers sa Portland sapul noong Dec. 12.

Sa isa pang laro, tinalo ng Indiana Pacers ang New Jersey Nets, 93--80.

BLAKE GRIFFIN

BOSTON CELTICS

CARLOS BOO

CHICAGO BULLS

CHRIS WILCO

DERRICK ROSE

INDIANA PACERS

JOAKIM NOAH

LOS ANGELES CLIPPERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with