Bentahang SMC-Coca-Cola, pinabulaanan ni Salud
MANILA, Philippines - Mananatili pa rin ang prangkisa ng Coca-Cola Bottlers Phils Inc. sa Philippine Basketball Associaton (PBA).
Ito ang inihayag kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud mula na rin sa liham ni CCBPI President at Chief Executive Officer Williams Schultz matapos ang ilang araw na bulung-bulungan ukol sa pagbebenta ng kanilang prangkisa sa San MIguel Corporation (SMC).
“It’s franchise has not been sold and that the ownership, operation and management of the Powerade team remain intact under CCBPI control,” nakasaad sa liham ni Schultz sa PBA.
Umagaw ng eksena ang Coca-Cola nang sumulat si Schultz sa SMC kaugnay sa pagbebenta ng kanilang PBA frachise sa halagang P100,000.000. At kung hindi ito makakatugon sa loob ng 60 araw mula noong Nobyembre 11, 2011 ay iaalok nila ito sa iba.
Pinalagan ng ilang miyembro ng PBA Board of Governors ang sinasabing pagbili ng SMC sa prangkisa ng Coca-Cola.
“It will follow the proper process should it decide to consummate the sale of its franchise, namely by first notifying and requesting approval for a sale from the PBA Board of Governors,” ani Schultz.
Ipinagpaliban naman ni Salud ang pagdedesisyon ukol sa isinusulong na pagdadala ng Powerade kay Fil-Am rookie Marcio Lassiter sa Petron Blaze para kina Nonoy Baclao at Rey Guevarra.
“In the meantime, in order to give our Board of Governors the opportunity to ask further clarificatory questions regarding the CCBPI response, I deem it prudent to defer acting on the proposed trade between Petron and Powerade until after the scheduled Special Board Meeting on Monday, February 20,” ani Salud.
- Latest
- Trending