^

PSN Palaro

Aces binalasa ang Painters

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bumangon ang Alaska mula sa kanilang kabiguan noong Biyernes sa likod ni­na Cyrus Baguio, Mexican import Adam Parada at LA Tenorio.

Umiskor si Baguio ng team-high 25 points para tulungan ang Aces sa 109-102 panalo laban sa Rain or Shine Elasto Painters sa 2012 PBA Commissioner's Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Nagdagdag sina Parada at Tenorio ng 24 at 19 mar­kers, ayon sa pagka­kasunod, para sa 1-1 ba­raha ng Aces, nanggaling sa 78-98 pagyukod sa Ba­rako Bull Energy noong Bi­yernes.

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Barangay Ginebra at Petron Blaze habang isinusulat ito.

Sa paglipat ni coach Tim Cone sa B-Meg, itinabi na rin ng Alaska ang ka­ni­lang pamosong ‘triangle offense’.

“Sa tingin ko mas okay ka­mi. Mas nakakatakbo ka­mi ngayon, mas nakakabuwelo ako,” sabi ni Baguio.

Kinuha ng Aces ang 28-20 abante sa first period hanggang palobohin ito sa 15 puntos, 78-63, laban sa Elasto Painters mula sa isang three-point shot ni Eric Salamat.

Sa pagbibida nina import Duke Crews, Paul Lee at Jeff Chan, naagaw ng Rain or Shine ang unahan sa 97-96 sa 3:58 ng fourth quarter.

Muli namang napasa­kamay ng Alaska ang lamang sa 101-97 galing sa tres ni Baguio at basket ni Te­norio sa 2:26 nito.

Matapos ang split ni Crews para sa 98-101 agwat ng Elasto Pain­ters, nagsanib naman ng puwersa sina Tenorio at Bobbon Custodio upang ilayo ang Aces sa 105-98 sa huling 43.4 segundo.

Sinabi ni coach Joel Ba­nal na hindi nila tuluyang ibi­nabasura ang ‘triangle offense’ ni Cone.

“We just do some easy stuffs and keep it simple. “It’s not totally that were putting away the triangle (offense), we’re just putting it in a shelf.”

Inamin rin ni Banal na wala pa sa kanyang kon­dis­yon ang seven-footer na si Parada, dating naglaro pa­ra sa Red Bull.

“We saw Adam four years ago when he played for Red Bull,” wika ni Banal kay Parada. “When he ca­­me he was a lil bit overweight and out of shape. He hasn’t played for two months.”

Tumipa si Crews ng 34 points para banderahan ang Rain or Shine.

Alaska 109 - Baguio 25, Parada 24, Tenorio 19, Custodio 12, Thoss 8, Salamat 7, Eman 6, Baracael 4, Reyes 4.

Rain or Shine 102 - Crews 34, Chan 18, Lee 11, Cruz 8, Araña 8, Norwood 6, Belga 6, Quiñahan 4, Bue­nafe 3, Jaime 2, Ibanes 2, Ma­tias 0.

Quarterscores: 28-20; 55-49; 85-74; 109-102.

ADAM PARADA

BARANGAY GINEBRA

BOBBON CUSTODIO

BULL ENERGY

CYRUS BAGUIO

DUKE CREWS

ELASTO PAIN

RED BULL

SHY

TENORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with