^

PSN Palaro

Altas, Cardinals pasok sa quarterfinals

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umusad sa susunod na phase ang University of Perpetual Help System DALTA matapos nilang ilista ang mahirap na 79-73 panalo kagabi laban sa pursigidong San Sebastian College-Recoletos sa play-in sa NCAA Season 102 men’s basketball tourna­ment na nilaro sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan.

Kinapitan ng Altas ang matikas na opensa nina Jim Corpuz at Vincent Segovia para umusad ang koponan sa quarterfinals at harapin ang top seed sa Group A na defen­ding champion San Beda University.

May hawak na twice-to-beat ang Perpetual Help sa play-in kontra San Sebastian, pero sa quarters ang kalaban nila na San Beda University ang may biyayang insentibo.

Hinarurot agad ng Altas ang Stags sa first canto matapos nilang makalamang ng pitong puntos, 27-20, mas naging mainit naman ang laro nila sa se­cond quarter kaya nailayo nila ang bentahe sa 11 points, 55-44 sa halftime.

Nagkaroon ng tsansa ang Stags na makadikit sa third period nang maibaba sa limang puntos ang hinahabol, 59-64 papasok ng fourth canto.

Isang 5-0 run ang kina­na ng Stags sa kaagahan ng payoff period para makatabla sa 64-all, bago nagsalpak si Segovia ng tres at saka nagtalpak ng layup si Christian Ricio upang muling agawin ng Altas ang bentahe.

Pero naging matatag ang Altas para itakas ang mahirap na panalo at pauwiin ang Stags na hindi man lang nakatikim ng pa­nalo ngayong season.

Samantala, pasok na rin sa quarterfinals ang Mapua University matapos nilang patalsikin ang Lyceum of the Philippines University, 83-68.

Sumandal ang Cardinals sa mainit na opensa ni Ivan Lazarte matapos nitong irehistro ang 25 points, limang rebounds, dalawang assists at isang steal.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with