^

PSN Palaro

ABAP, BSCP NSAs of the Year ng PSA

-

MANILA, Philippines - Dahil pinakaprodukti­bo sila sa paghahatid ng ka­rangalan sa bansa sa 2011, ang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) at Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) ang hinirang bilang Natio­nal Sports Associations (NSAs) of the Year ng Phi­lip­pine Sportswriters Association (PSA).

Ang dalawang samahan ay nagkaroon ng mga world champions dahilan kung bakit patuloy na hinahangaan ang Pilipinas sa larangan ng palakasan at bibigyan ng pagkilala ng PSA sa Annual Awards Night sa Marso 3 sa Manila Hotel.

Ibinandera ang ABAP na pinamumunuan nina Ricky Vargas at Manny V. Pangilinan ng mga batang boksingero na sina Eumir Marcial at Mark Anthony Barriga.

Si Marcial ang kauna-unahang Filipino boxer na nanalo ng ginto sa AI­BA World Junior Bo­xing Championships sa Kazakhs­tan habang si Barriga ang kauna-unahang Pambansang boksi­ngero na nakapasok sa London Olympics matapos mapasa­ma sa mga lumu­sot sa qua­­lifying tournament na World Amateur Boxing Championships.

Ibinandera naman ang billiards nina Dennis Orcollo, Efren “Bata” Reyes at Rubilen Amit na nangiba­baw sa mga nilahukang world championships.

Si Orcollo ay nangi­babaw sa World 8-Ball Cham­pionship bukod pa sa SEA Games gold medal sa men’s single 8-ball. Bago natapos ang taon, siya ang lumabas bilang number one player sa World Pool-Billiards Association (WPA)

Dahil sa husay na ginawa, si Orcollo ay tatanggap ng pinakaprestihiyosong Athlete of the Year award ka­sama ni world boxing champion Nonito Donaire.

Hindi naman nagpahuli sina Reyes at Amit na ti­nalo ang US pair na sina Johnny Archer at Jeanette Lee, 10-6, para mapanati­ling hawak ng bansa ang World Mixed Doubles title na pinaglabanan sa Hangzhou, China.

Si Bise Presidente Jejomar Binay ang tatayo bi­lang panauhing panda­ngal sa seremonyang ma­isasagawa dahil na rin sa tulong ng Smart, ICTSI, Philippine Sports Commission (PSC), Milo, Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR), Philippine Basketball Association (PBA), Harbour Centre, SM Prime Hol-dings, at Coca-Cola.

vuukle comment

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANNUAL AWARDS NIGHT

ATHLETE OF THE YEAR

BALL CHAM

BILLIARDS AND SNOOKER CONGRESS OF THE PHILIPPINES

DAHIL

DENNIS ORCOLLO

EUMIR MARCIAL

SHY

WORLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with