^

PSN Palaro

Pagbuo sa SMART Gilas II sisimulan na

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Inaasahang gugulong na ang pagbuo sa SMART Gilas II sa buwang ito.

Sa pagdalo ni team manager Butch Antonio sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue kahapon, kanyang ibinulalas na nasa plano na ang pagpapadala ng imbitasyon sa mga mahuhusay na collegiate pla­yers na napipisil na masama sa programa.

Inaasahan na rin ang gagawing pakikipagpulong ng SBP sa pangunguna ng pangulong si Manuel V. Pangilinan at pamunuan ng PBA para sa kanilang ibinibigay na tulong tulad ng pagpapahiram ng manlalaro na magagamit sa mga lalahukang malala­king torneo.

 Ang Gilas II ay naka­tuon sa hangaring maipasok ang Pilipinas sa 2014 World Championship na posibleng gawin sa Spain at ang Pilipinas ay palaban dahil ang mangungunang tatlong bansa sa gagawing FIBA Asia Men’s Cham­pionship sa 2013 ang kakatawan sa rehiyon.

“Mas malakas ang ma­bubuong programa nga­yon kumpara sa Gilas I dahil ang lahat ng mga tama at kamalian na nangyari ay mababago sa programang ito,” wika ni Antonio.

Ang Gilas I ay hina­wa­kan ni Serbian coach Rajko Toroman at kinapos sa ha­ngaring maipasok ang Pilipinas sa London Olympics nang tumapos lamang sa pang-apat sa FIBA Asia sa Wuhan, China.

Nakuha ng Gilas I ang naturalized player na si Marcus Douthit na ayon kay Antonio ay tamang hakbang ngunit ang kamalian dito ay ang limitadong oras na napunta sa mga PBA players na hinugot para palakasin ang kopo­nan.

“Three years ang Gilas I habang two years ang time frame sa Gilas II. Pero ang maganda rito, mas maagang maipapasok ang mga PBA players sa sistema. Ang plano ay bumuo ng 30 manlalaro na kinabibilangan ng tig-15 collegiate at pro players. Mula rito ay kukuha ng manlalaro na ilalaban sa mga kompetisyong balak salihan para makita kung sino ang puwedeng ilaban sa FIBA Asia,” paliwanag pa ni Antonio.

Mas malakas ang ma­bubuong koponan dahil nasa PBA players na ang mga kasapi ng Gilas I na may karanasan na kung paglalaro sa international games ang pag-uusapan.

Sa hanay naman nina local coaches Chot Reyes, Jong Uichico, Norman Black at Ryan Gregorio magmumula ang head coach ng Gilas II at wala na munang plano ang SBP na kumuha ng dayuhang consultant dahil naniniwala silang nakuha na ng mga batikang coaches na nabanggit ang tamang formula para maibalik ang Pilipinas sa world map.

vuukle comment

ANG GILAS

ANG GILAS I

ASIA MEN

BUTCH ANTONIO

CHOT REYES

GILAS

GILAS I

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with