^

PSN Palaro

Lassiter papunta sa Petron Blaze kapalit nina Baclao, Guevarra?

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos mabigyan ng ma­­gandang laban ang nag­­­dedepensang Talk ‘N Text sa nakaraang 2011-2012 PBA Philippine Cup Fi­nals, tila nahaharap sa mas mabigat na pagsubok ang Po­werade.

Ikinabigla kahapon ni Best Player of the Confe­rence awardee Gary David ang balitang dadalhin ng Tigers si Fil-Am rookie Marcio Lassiter sa Petron Blaze Boosters upang makuha si­na 2010 No.1 overall pick Nonoy Baclao at Rey Gue­varra.

“This is UNFAIR!! No idea what’s happening to the team,” protesta ni David na idinaan niya sa kanyang Twitter account.

 Ang pagdadala ng Po­werade sa Petron Blaze ay sinasabing unang hakbang para sa muling pagbili ng San Miguel Corporation sa Coca-Cola Bottlers Inc.

Idinaan ng isang mi­yembro ng PBA Board of Governors sa text ang kan­yang nararamdaman sa pagbili ng SMC sa Po­werade franchise.  

“I will be respectfully writing a letter within the next few days to request for an emergency meeting gi­ven the disturbing deve­lopments as written in the media,” wika ng Governor.

Ibinunyag ng isang SMC official na ang bendis­yon na lamang ni PBA Com­­missioner Chito Salud ang kailangan para matuloy ang nasabing trade.

Ang 6-foot-2 na si Lassiter ay nagtala ng mga ave­rages na 16.9 points, 6.0 rebounds, 3.9 assists at 1.4 steals para sa Tigers sa na­karaang conference.

Sina David at Lassiter ang naging sandigan ng Po­werade para makara­ting sa finals laban sa Talk ‘N Text na tumalo sa kanila, 4-1, sa serye.

BEST PLAYER OF THE CONFE

BOARD OF GOVERNORS

CHITO SALUD

COCA-COLA BOTTLERS INC

GARY DAVID

LASSITER

MARCIO LASSITER

N TEXT

NONOY BACLAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with