Lady Patriots ikinasa ang Game 3
MANILA, Philippines - Sumandig ang defending champion La Salle-Dasmariñas Lady Patriots sa double-digit output ng tatlong mainstays upang kumawala sa Rizal Technological University Lady Thunder, 60-54 nitong Martes sa Game 2 ng 19th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) women’s basketball finals.
Umasinta si Diane Gelisan ng 20 puntos, habang tumipa sina Alalaine de Gomas ng 19 puntos at 11 naman ang kay Marie Cruz upang trangkuhan ang Lady Patriots na ipatas ang kanilang best-of-three finals series ng Lady Thunder sa 1-1 all sa mismong bakuran ng kalaban sa RTU gymnasium sa Mandaluyong.
Bunga nito, napalawig pa ng Lady Patriots ang kanilang tsansa na maipagtanggol ang korona sa muli nilang paghaharap ng Lady Thunder para sa deciding Game 3 bukas.
- Latest
- Trending





















