^

PSN Palaro

Mandaue, Cebu at Negros boxers nagpasikat agad

-

MANILA, Philippines - Nagpasiklab agad ang mga boksi­ngero mula Mandaue, Cebu at Negros Occi­dental nang magkaroon ng tig-da­lawang boksingero na nanalo sa pagbu­bukas ng 2012 PLDT-ABAP Visayas Area Championships noong Huwebes sa Robinson’s Mall sa Dumaguete City.

Sina Kevin Jake Cataraja at Hipolito Ba­nal ang namuno sa nagdedepensang Mandaue nang manalo sa Youth boys fly­weight at Junior boys flyweight divisions.

Sumuntok sa 19-14 panalo si Cataraja laban kay Argie Alabado ng Bago City sa labang nakitaan na nabawasan ng dalawang puntos at inatake ng cramps ang 16-anyos na Mandaue fighter.

Wala namang masamang epekto ang pagiging mas maliit ni Banal nang ga­mitin niya ang kanyang bilis tungo sa 18-2 dominasyon kontra kay Daniel Folio ng host Dumaguete City.

Sina Steven Noblefranca at Junrel Ji­menez ng Cebu at Danjay Nietes at Mark Anthony Montenola ng Negros Occidental ay namayani rin para ipakitang magiging mahigpitan ang tagisan para sa kampeonato sa apat na araw na liga na inorganisa ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) na suportado ng PLDT at may tulong mula sa local officials ng Dumaguete City at Province of Negros Occidental.

Si Noblefranca ay may 18-3 panalo kay Jusua Sambajon ng Nothern Samar sa youth boys flyweight habang si Jimenez ay umukit ng RSC sa second round laban kay Ritchie Sumabong ng Tagbilaran.

 Si Nietes na pinsan nina world champion Donnie at national player Gerson ay nanaig kay Jay Solomon ng Dumaguete, 15-6, at si Mark Anthony Montenola ay may RSC panalo sa 2nd round laban kay Jason Ladriloo ng Leyte Province sa Junior division.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ARGIE ALABADO

BAGO CITY

CEBU

DANIEL FOLIO

DANJAY NIETES

DUMAGUETE CITY

HIPOLITO BA

MANDAUE

MARK ANTHONY MONTENOLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with