^

PSN Palaro

Bosh isinalba ang Heat sa panalo

-

MIAMI - Hindi maganda ang inilaro ni LeBron James laban sa kanyang dating koponang Cleveland Cavaliers.

Ngunit tiniyak naman ni Chris Bosh ang panalo ng Miami Heat.

Umiskor si Bosh ng 17 points sa fourth quarter para tumapos na may game-high 35 points upang tulungan ang Heat sa 92-85 panalo laban sa Cavaliers.

Tumipa si Bosh ng 10-for-16 fieldgoals at umabot sa 30-point mark para sa pang apat na pagkakataon ngayon para ibigay sa Mia­mi ang 4-1 rekord laban sa Cleveland sapul nang lumipat si James.

“Whenever I play and I don’t hesitate, good things happen,” wika ni Bosh.

Isang three-point play ni Bosh ang naglayo sa Heat sa Cavaliers sa 84-76 upang tuluyan nang sel­yuhan ang kanilang panalo.

“I think he made the biggest adjustment with this whole situation,” sabi ni James sa inilaro ni Bosh para saluhin ang kanilang trabaho ng may injury na si Dwyane Wade, hindi naglaro dahil sa kanyang sprained right ankle.

Ang 35 points ang pinakamalaking iniskor ni Bosh sapul nang magtungo sa Miami.

Umiskor naman si Kyrie Ir­ving, ang No. 1 overall draft pick at sinasabing papalit kay James sa Cavaliers, ng 17 points mula sa kanyang 7-for-11 shooting.

Nagdagdag si Samardo Samuels ng 15 points para sa Cleveland kasunod ang 11 points at 11 rebounds ni Anderson Varejao at 10 points buhat kay Ramon Sessions.

ANDERSON VAREJAO

BOSH

CHRIS BOSH

CLEVELAND CAVALIERS

DWYANE WADE

KYRIE IR

MIAMI HEAT

POINTS

RAMON SESSIONS

SAMARDO SAMUELS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with