^

PSN Palaro

Kerby maglalaro sa Ginebra Kings?

-

MANILA, Philippines - Hindi pa man natatapos ang 2011-2012 PBA Philippine Cup Finals ay may­roon nang mga trade na ‘niluluto’.

Ilan rito ay ang sinasa­bing paglipat ni Kerby Ray­mundo sa Barangay Gi­ne­b­ra mula sa B-Meg.

“Daming (several) trade on the table. It’s that time of the year again,” wika ni Re­ne Pardo ng Llamados sa kanyang Facebook account..

Para madala ng B-Meg si Raymundo sa Ginebra ay kakailanganin nila ng isang koponan na magsi­silbing ‘conduit’ para maplantsa ng trade.

At posibleng pumasok sa eksena ang Barako Bull, da­ting Air21.

“Nothing final on our end as of now. Puro what if pa lang,” pahabol ni Pardo.

Kailangan ng Gin Kings ang isang big man na kaga­ya ng 6-foot-6 na si Raymundo dahil na rin sa injury ni Eric Menk.

Parehong napatalsik sa quarterfinal round ng tor­neo ang B-Meg at Ginebra matapos talunin ng Po­werade at Rain or Shine, ayon sa pagkakasunod.

B-MEG

BARAKO BULL

BARANGAY GI

ERIC MENK

FACEBOOK

GIN KINGS

GINEBRA

KERBY RAY

PHILIPPINE CUP FINALS

RAYMUNDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with