^

PSN Palaro

Semis kukunin na ng NLEX

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tatangkain ngayon ng nagdedepensang NLEX ang makapasok na ng tu­luyan sa semifinals sa pag­harap sa number one team na Cebuana Lhuillier sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup elimination round sa San Juan Gym.

Ito ang unang pagkikita ng dalawang koponang nagtagisan sa Finals sa first conference at ang Road Warriors ang namayani sa 2-0 sweep sa best-of-three series sa Gems tungo sa kampeonato.

Elimination round ga­me pa lamang ito pero ti­yak na maaksyon ang bak­bakan dahil ang Gems ay magnanais na selyuhan ang pagiging numero uno sa 11-koponang liga sa paglista ng ikasiyam na panalo sa 10 laro.

May six-game winning streak ang tropa ni coach Boyet Fernandez pero walang saysay ang maagang pamamayagpag kung hindi nila makukuha ang tagumpay, ani ng bete­ranong mentor.

“Pride ang nakataya rito dahil kami ang defen­ding champion at kailangan ang panalo para makuha ang outright semifinals. Ang Cebuana naman ay nais na makabawi sa amin. Kaya magandang laban ito,” pahayag ni Fernandez.

Walang duda na mas malakas ang NLEX dahil sa pagkakaroon ng Calvin Abueva, Ian Sangalang, Dave Marcelo, RR Garcia at Garvo Lanete pero hindi pahuhuli ang Gems na ibabandera nina Jai Reyes, Terrence Romeo at Vic Ma­nuel.

Nananalangin naman sa sidelines ang Freego Jeans (7-3) dahil kailangan nilang makita ang NLEX na matalo sa kanilang hu­ling dalawang laro para makahirit ng playoff para sa number two seeding.

Huling laro ng Road Warriors ay laban sa Café France sa Martes.

Mauunang magtagisan naman ang Big Chill at Black­water Elite sa ganap na alas-2 ng hapon na kap­wa nangangailangan ng panalo para sa puwestuhan sa quarterfinals.

Angat ang Super Chargers sa 6-3 karta pero posib­leng malagay pa sa pe­ligro ang paghahabol sa puwesto sa susunod na yugto ng labanan dahil po­sibleng magkaroon ng multiple tie sa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto.

Ang Elite ang isa sa nag­hahabol matapos idek­larang panalo ni Commissioner Chito Salud ang kopo­nan ni coach Leo Isaac laban sa Cobra Ener­gy Drink.

ANG CEBUANA

ANG ELITE

BIG CHILL

BOYET FERNANDEZ

CALVIN ABUEVA

CEBUANA LHUILLIER

COBRA ENER

COMMISSIONER CHITO SALUD

ROAD WARRIORS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with