San Beda asam ang semis seat sa NCAA women's volleyball
MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ng San Beda Lionesses ang semifinals spot sa pagbabalik ng 87th NCAA women's volleyball sa Biyernes sa Ninoy Aquino Stadium.
Kakaharapin ng San Beda ang Lyceum sa women's play sa alas-10 ng umaga at ang panalo ng una sa huli ang magtutulak sa Lionesses para makatungtong sa Final Four sa ikalawang sunod na taon.
Ang San Beda sa kasalukuyan ay mayroong 4-2 karta, habang ang Lady Pirates ay may 3-3 baraha.
Ang University of Perpetual Help Lady Altas ang unang koponan na nakaabante sa semifinals sa bisa ng 7-0 karta.
Sasampa rin ang nagdedepensang San Sebastian Lady Stags kontra sa Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa alas-2 ng hapon.
Ang Lady Stags ay may 5-2 karta at napag-iiwanan ng Lady Generals sa 5-1 baraha.
Magtatagisan din ang mga men's at juniors teams ng Lyceum-San Beda at San Sebastian-EAC sa ibang mga larong nakahanay.
- Latest
- Trending