^

PSN Palaro

Generals pinatalsik Blazers patungo sa semis

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makalipas ang 17 ta­on, kinalsuhan ng Emilio Aguinaldo College ang ma­tagal na paghihintay na makapasok sa Final Four ma­tapos patalsikin ang College of Saint Benilde, 86-64, sa quarterfinals ng NCAA Season 102 men’s bas­ketball tournament ka­hapon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.

Kinapitan ng Generals si Jude Bagay patungo sa kauna-unahan nilang se­mifinals stint sapul ng sumali sa liga noong 2009.

“Hindi naging madali sa team namin. Nag-start ka­mi sa 0-3 dumating sa point sa ensayo namin na nag aaway-away kami. So nagtiwala lang kami sa sistema ni coach Jerson kasi alam namin na alam niya ang gagawin,” sabi ni Bagay.

Kumolekta si Bagay ng 26 points, apat na assists at tatlong rebounds para sa Taft-based team na sadsad sa unang tatlong laro bago lumasap ng panalo.

Kinuha ng Blazers ang 44-41 halftime lead bago maiwanan sa 51-69 papasok sa fourth quarter.

Naniguro ang EAC sa payoff period para makuha ang panalo at hindi na pinadikit ang St. Benilde.

Samantala, tinuhog ng Letran ang Mapua University, 86-75, papasok sa semifinals.

Bumira si rookie Justin Cargo ng 19 points, dalawang assists at dalawang steals para akbayan ang Knights na la­labanan ang ma­bangis na Jose Rizal Heavy Bombers sa best-of-three series.

Tinalo ng Heavy Bom­bers ang Arellano Chiefs noong Lunes upang masungkit ang kanilang tiket patungong semis.

Bumakas si Chad Gammad ng 13 points para sa Letran, habang may 12 points si Jimboy Estrada.

Kumolekta si star point guard Titing Manalili ng all-around game na 11 points, walong assists, tatlong rebounds at dalawang steals. 

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with