^

PSN Palaro

Ramos babandera sa Patriots sa ABL

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Smart Gilas Pilipinas member Aldrech Ramos ang ga­gawing kampanya ng Philippine Patriots sa ikatlong edisyon ng AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) na magbubukas sa Enero 14.

Sa pangunguna ng ba­gong coach na si Glen Capacio isang malawakang tryouts ang ginawa ng Pa­triots para palakasin ang laban ng koponan na maghahangad na maibalik sa kanila ang titulong hina­wakan sa unang edisyon ng liga.

Matatandaan na nata­lo ang koponang pag-aari nina Mikee Romero ng Har­bour Centre at Tony Boy Cojuangco sa kamay ng Chang Thailand Slammers sa nagdaang season.

Makakasama ni Ramos ang mga ex-PBA pla­yers na sina Marcy Arellano, Reed Juntilla, Jonathan Fernandez at Eddie Laure na tulad ni Ramos ay naglaro sa Harbour Centre sa PBL.

Magbabalik naman ang mga dating Patriots na sina Warren Ybañez at Rob Wainwright habang sina dating Chang player Ardy Larong, Erick Rodriguez, Eder Saldua at 6’6 Angel Raymundo ang kukumpleto sa koponan.

Si Ramos na manlalaro rin ng FEU ang siyang ma­giging puwersa ng kopo­nan dahil sa angking husay nito sa pagbuslo sa labas bukod pa sa pag-atake sa ilalim.

“He has improved tre­men­dously since the last time I handled him,” wika ni Patriots coach Capacio.

“He can hurt you with his soft jumpers from the medium range,” wika naman ni Romero.

Mas mabigat ang laban sa ikatlong season dahil 8 koponan na ang kasali at ang Pilipinas at Thailand ay may tig-dalawang teams.

Ang San Miguel Beer na sinasabing pangungunahan ni 6’9” University of Cebu center Junmar Fajar­do ang makakaribal ng Patriots sa bansa habang ang Bangkok Cobras ang isa pang expansion team ng Thailand.

Kasali na rin ang Vietnam gamit ang Saigon Heat habang ang iba pang regular teams na magbabalik ay ang Singapore Slingers, KL Dragons at Indonesia Warriors.

Makikilatis ang husay ng Patriots team sa paglahok nila sa isang fund rai­sing basketball tournament sa Bangkok na katatampukan din ng Slammers, Cobras at San Miguel Beer.

vuukle comment

ALDRECH RAMOS

ANG SAN MIGUEL BEER

ANGEL RAYMUNDO

ARDY LARONG

BANGKOK COBRAS

BASKETBALL LEAGUE

CHANG THAILAND SLAMMERS

EDDIE LAURE

EDER SALDUA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with