^

PSN Palaro

Rivera, Clutario kinapos sa World Cup

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kinapos sina dating world champion Biboy Rivera at Liza Clutario sa hangaring mapanalunan ang 2011 Quibica AMF Bowling World Cup na ginaganap sa Northcliff bowling center sa Johannesburg, South Africa.

Si Rivera ay tumapos taglay ang 8536 puntos ka­sama ang mga bonuses para sa 237.11 average sa men’s division pero sapat lamang ito para malagay sa ikalimang puwesto.

Nasa pang-anim na puwesto naman si Clutario sa kabuuang 7922 puntos o 220.06 average.

Sina Rivera na pumangalawa sa kalalakihan noong nakaraang taon, at Clutario ang mga naging kinatawan ng Pilipinas sa kompetisyon matapos dominahin ang national tournament.

Madaling nakapasok ang dalawang Filipino bowlers sa top 24 at top 8 pero lumambot ang kanilang ipinakita sa sumunod pang walong game na nagdetermina sa mangungunang tatlong bowlers na siyang maglalaban-laban para sa titulo.

Si Tommy Jones ng USA at Aumi Guerra ng Domi­nican Republic ang nangunguna sa magkabilang dibisyon nang si Jones ay gumawa ng 8977 habang 8703 ang tangan ni Guerra na siyang nagdedepensang kampeon ng palaro.

Nakapasok din sa step ladder sa kalalakihan sina Jason Belmonte ng Australia (8790) at Mykhaylo Kalika ng Ukraine (8635) habang sina Diandra Asbaty ng USA (8246) at Sandra Andersson ng Sweden (8246) ang sa kababaihan.

vuukle comment

AUMI GUERRA

BIBOY RIVERA

BOWLING WORLD CUP

CLUTARIO

DIANDRA ASBATY

JASON BELMONTE

LIZA CLUTARIO

MYKHAYLO KALIKA

SANDRA ANDERSSON

SI RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with