Pinoy riders mapapasabak sa mga world class motocross riders
MANILA, Philippines - Muling mag-aagawan para sa karangalan ang mga motocross riders sa pagharurot ng 2011 Enersel Forte Philippine National Motocross Series and World Motocross Series 12 leg sa Sta. Barbara, Iloilo sa Disyembre 3-4.
Sina Glenn Aguilar, Jovie Saulog at DonarkYuzon ang mga mangunguna sa pag-arangkada sa local field ng dalawang araw na karera na magsisilbi ding kick-off event ng una sa mga international races na tinaguriang “Philippines Vs World’s Best ” na inorganisa ng Sel-J Sports.
“We invite all of you to Iloilo for another weekend of thrills and gratify-defying action featuring not only our best local riders but also some of the cream in international motocross racing,” wika ni businessman at Sel-J Sports President Jay Lacnit .
Panauhin din sa nasabing okasyon ay ang mga Therasil multi-vitamin users tulad nina matinee idol Sam Milby at Jordan Herrera.
Pinasasalamatan din ni Lacnit sina Sta. Barbara Mayor Dennis Superficial, Team Pacquiao Buboy Fernandez at konseho ng bayan sa pagpayag na maidaos ang Enersel Forte Philippine National Motocross Series and World Motocross Series.
- Latest
- Trending