^

PSN Palaro

Perpetual humataw sa NCAA indoor volleyball

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Umukit ng mga panalo ang tatlong koponan ng host Perpetual Help para sa magandang panimula sa 87th NCAA indoor vol­ley­ball na nagbukas ka­ha­pon sa Ninoy Aquino Sta­dium.

Ipinakita ng bagong set­ter na si Arianne Argarin ang kanyang husay nang tu­lungan ang Lady Altas sa 25-10, 25-11, 25-18 panalo laban sa Lyceum Lady Pirates sa tagisan ng mga ko­ponang naglalaro sa se­mi-commercial league.

Ang panalo ay makaka­tulong upang tumaas ang morale ng host Perpetual dahil ang Lyceum ay kilala bilang isang kampeon nang naglalaro pa sa women’s NCAA.

 “Lyceum is a tough team because they have championship experience while playing in the WNCAA. But this is their first game in the NCAA which is entirely a different level from the other leagues they participated in,” wika ni coach Mike Rafael.

Hindi naman nagpahu­li ang kanilang juniors at men’s team na kumuha rin ng straight sets win.

May 25-7, 25-13, 25-16 pa­nalo ang Altas sa Pirates pa­ra buksan gamit ang pa­nalo ang hangaring mapanatili ang titulo sa men’s division, habang 25-16, 25-13, 25-16, tagumpay ang ipinoste ng Junior Altas sa Junior Pirates.

Nangibabaw rin ang Arel­lano, ang 2010 runner-up, laban sa Mapua, 25-17, 25-22, 26-24, habang 25-8, 25-10, 25-9 dominasyon ang ginawa ng Lady Chiefs kontra sa Lady Cardinals.

“I congratulate our team as well as all the par­ticipating schools for gi­ving it their best,” wika ng league president na si An­thony Tamayo ng host Perpetual Help sa mga lumahok sa NCAA indoor volleyball.

ARIANNE ARGARIN

JUNIOR ALTAS

JUNIOR PIRATES

LADY ALTAS

LADY CARDINALS

LADY CHIEFS

LYCEUM LADY PIRATES

MIKE RAFAEL

PERPETUAL HELP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with