^

PSN Palaro

4 gold medals idinagdag

- Ni Beth Repizo-Meraña -

JAKARTA, Indone­sia --- Sa pang walong pagkakataon, muling naghari ang mga Pinoy sa men’s basketball event ng Southeast Asian Games.

Pinayukod ng Sinag Pilipinas ang Thailand, 85-57, para sa pang apat na gintong medalya ng bansa sa 26th SEA Games kagabi.

Mga manlalaro namang na­is patunayan na may ibu­buga pa sila ang siyang umani ng unang tatlong ginto ng bansa.

Binawi ng siklistang si Al­fie Catalan ang isinukong titulo sa Laos nang do­­minahin ang paboritong men's individual pursuit sa track event ng cycling, ha­­bang ang baseball at men's dragon boat teams ang naghatid ng dalawa pang ginto para itulak sa 27 ang gold medal na nakuha ng Nationals papasok sa hu­­ling dalawang araw ng kom­­petisyon.

Isama pa ang 47 silver at 66 bronze medals, ang Pilipinas ay nananatili pa rin sa ikaanim na puwesto at hindi na mahahabol ang Singapore sa ika-limang pu­westo mula sa nahakot na 41 gold 43 silver at 71 bronze medals.

Nag-ambag si bowler Fre­­derick Ong ng silver me­dal sa men’s masters.

Matamis na tagumpay ang naiposte ng 29-anyos, na si Catalan, ang naghari noong 2005 Philippine at 2007 Thailand SEA Games pero nabigo sa asam na makatatlong sunod dahil sa pulitika sa cycling.

Humataw naman ng in­surance run si Jonash Pon­ce na naka-single para ma­kaiskor si Fulgencio Rances, habang ang pit­cher na si Darwin De­la Cal­za­da ang kumuha ng pa­na­lo sa mound.

Nagdomina ang men's dra­­gon boat team sa 500-meter, 20-man event sa 1:53.95 tiyempo para kunin ang gintong medalya.

BINAWI

DARWIN DE

FRE

FULGENCIO RANCES

HUMATAW

ISAMA

JONASH PON

SHY

SINAG PILIPINAS

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with