Cebuana, Freego wagi sa D-League
MANILA, Philippines - Hinugutan ng lakas ng Cebuana Lhuillier si Jai Reyes para kunin ang 77-64 tagumpay laban sa RnW Pacific Pipes sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Arellano Gym.
Tumapos si Reyes taglay ang 13 puntos at dalawang magkasunod na tres ang ginawa niya para pawiin ang huling hirit ng Steel Masters sa 62-66.
May 22 puntos si Vic Manuel para pangunahan ang Gems na nasungkit ang ikatlong sunod na panalo (3-0).
Sinabayan naman ito ng pananaig ng Freego Jeans sa dating solo-lider na Blackwater, 72-68, para makasalo ang Gems sa unahan.
Magkasunod na offensive rebounds nina Janus Lozada at Eric Camson ang nakatulong para sa 8-0 run ng koponan ni head coach Leo Austria.
- Latest
- Trending





















