^

PSN Palaro

Fishers reyna ng World 10-Ball

-

MANILA, Philippines - Kinumpleto ni Great Britain bet Kelly Fishers ang kanyang mainit na kam­panya matapos igupo si Chinese, Taipei pride Tsai Pei Chen, 10-4, upang angkinin ang Yalin 2011 Women’s World 10-Ball Championship kamakala­wa ng gabi sa Robinson’s Galleria.

Ito ang unang titulo ng 33-anyos na si Fisher matapos magkampeon sa 2008 WBPA Pacific Coast Classic.

Si Fisher ang palagiang nananalo sa mga snooker at English billiards tournaments sa iba’t ibang bansa.

Ibinulsa ni Fisher, tinalo si Chinese Yu Han, 9-4, sa semis, ang top purse na $20,000, habang nakuha naman ni Tsai, sinibak si inaugural 2009 champion Rubilen Amit, 8-7, sa quarterfinals noong Huwebes at si 2010 runner-up Ga Young Kim ng Korea, 9-7, sa semis, ang $10,000.

Si Fisher ang ikatlong nagreyna sa event matapos sina Amit at Austrian Jasmin Ouschan.

“I was really nervous going into the final match because this is the first time I’ve made it this far, it was really perfect after I won,” ani Fisher.

Iginupo ni Fisher si Yu Han, 9-4, isa semis at matapos ang isang oras ay hinarap si Chen sa finals.

“Its just pretend that I don’t look nervous out there because deep inside I’m really nervous and shaking because of the pressure,” wika ni Fisher.

AUSTRIAN JASMIN OUSCHAN

BALL CHAMPIONSHIP

CHINESE YU HAN

FISHER

GA YOUNG KIM

GREAT BRITAIN

KELLY FISHERS

PACIFIC COAST CLASSIC

RUBILEN AMIT

SI FISHER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with