^

PSN Palaro

Viloria mapapalaban sa dating ka-spar sa pagdepensa ng WBO title

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Maaaring idepensa ni Fil-American Brian Viloria ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) flyweight champion laban sa dati niyang sparring partner na si Mexican-American Giovani Segura.

Ito ay posibleng itakda sa Disyembre 10 sa Manila, ayon sa ulat ng RingTV.

Tangan ni Viloria, dating World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) light flyweight titlist, ang kanyang 29-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 16 KOs, habang dala ni Segura ang 28-1-1 (24 KOs).

Nakuha ni Viloria ang WBO flyweight belt matapos talunin si Julio Cesar Miranda via unanimous decision noong Hulyo.

Kasalukuyang No. 3 ang 30-anyos na si Viloria sa listahan ng The Ring flyweight division, samantalang No. 9 naman ang 29-anyos na si Segura.

Lumalagay si Segura bilang No. 1 contender para sa WBO belt ni Viloria. Ngunit ito ang maaaring unang pagkakataon na labanan siya sa flyweight class makaraang magkampeon sa WBO at WBA light flyweight division.

DISYEMBRE

FIL-AMERICAN BRIAN VILORIA

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JULIO CESAR MIRANDA

KASALUKUYANG NO

MEXICAN-AMERICAN GIOVANI SEGURA

SEGURA

VILORIA

WORLD BOXING COUNCIL

WORLD BOXING ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with