Reaves inilusot ang lakers kontra sa Warriors
SAN FRANCISCO — Ipinasok ni Austin Reaves ang winning layup sa huling segundo ng fourth quarter para tulungan ang Los Angeles Lakers na makatakas sa Golden State Warriors, 115-113, sa NBA Christmas Day game.
Tumapos si Raves na may triple-double na 26 points, 10 rebounds at 10 assists para sa Lakers (17-13).
Humakot naman si LeBron James ng 31 points at 10 assists para sa kanyang NBA-record na ika-19 Christmas Day game.
Hindi na nakabalik sa laro si big man Anthony Davis matapos magkaroon ng sprained left ankle sa dulo ng first quarter.
Bumanat si Stephen Curry ng 38 points tampok ang isang 31-foot three-point shot sa huling 7.6 segundo ng laban na nagtabla sa Warriors (15-14) sa 113-113.
Matapos ito ay ang game-winning layup ni Reaves para sa Los Angeles matapos makawala sa depensa ni Golden State forward Anthony Wiggins.
“It’s always a blast,” sabi ni Curry sa duwelo nila ni James. “Like, the competitive spirit, the history, his greatness. It allows me to just appreciate all that we’ve been through, all the battles back and forth and the fact that in 2024 we’re still doing it.”
Sa Phoenix, bumanat sina Kevin Durant at Bradley Beal ng tig-27 points para gabayan ang Suns (15-14) sa 110-100 pagpapalubog sa Denver Nuggets (16-12).
Sa Boston, tumipa si Joel Embiid ng 27 points tampok ang dalawang free throws sa huling pitong segundo sa 118-114 panalo ng Philadelphia 76ers (11-17) kontra sa nagdedepensang Celtics (22-8).
Sa Dallas, kumayod si Anthony Edwards ng 26 points sa 105-99 pagpulutan ng Minnesota Timberwolves (15-14) sa Mavericks (19-11).
Sa New York, naglista si Mikal Bridges ng season-high 41 points at nalampasan ng Knicks (20-10) ang kinamadang 42 markers ni Victor Wembanyama para sa kanilang 117-114 pagpapatumba sa San Antonio Spurs (15-15).
- Latest