^

PSN Palaro

SBC, UP tankers kampeon sa swimming

-

MANILA, Philippines - Walang nakapigil sa bangis ng San Beda ha­bang sa huling event kumapit ang UP upang ma­panatili ng dalawang koponan ang kampeonato sa pagtatapos kahapon ng swimming event sa 16th PSC-Philippine University Games na nilalaro sa Villareal Sports Complex, Roxas City, Capiz.

Tinapos ng NCAA MVP Wilfredo Sunglao Jr. ang dominanteng paglangoy nang manalo pa sa 200m free (2:05.40),100m butterfly (1:00.63) at 50m free (25.19), upang magkaroon ng kabuuang pitong ginto at ang Lions ay nagtapos taglay ang perpektong 16 ginto sa ganitong dami rin ng events.

May 12 pilak pa ang koponan para katampukan ang paghablot ng ikatlong sunod na titulo at pang-anim kasama ang pangi­­ngibabaw noong 2003, 2005 at 2007.

Ang UP ay sumandal sa lakas ng 4x100m freestyle relay na kung saan tinalo nila ang San Beda at mapanatili ang kampeonato sa kabuuang 8 ginto, 11 pilak at 5 bronze medals

Napalaban ang Lady Maroons na UAAP champion, sa San Beda ng mag­hatid pa ng tatlong ginto si Hannah Dato para magkatabla ang dalawa sa tig-pitong ginto papasok sa huling event.

May 7-2-2 medal count ang San Beda sa pangu­nguna ni Dato na may limang ginto.

CAPIZ

GINTO

HANNAH DATO

LADY MAROONS

NAPALABAN

PHILIPPINE UNIVERSITY GAMES

ROXAS CITY

SAN BEDA

VILLAREAL SPORTS COMPLEX

WILFREDO SUNGLAO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with