^

PSN Palaro

Sino ang haharap sa Lions?

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Mapupuno ng tensyon ang The Arena sa San Juan City ngayon da­hil magtutuos sa huling pag­ka­kataon ang San Sebastian at Letran sa pagtatapos ng 87th NCAA men’s basketball.

Ganap na alas-4 ng ha­pon gagawin ang hu­ling sayaw sa pagitan ng Stags at Knights at ang ma­nanalo sa bakbakan ay siyang makakatunggali ng nagdedepensang San Beda sa best of three finals.

Naitakda ang rubbermatch na ito nang hiritan ng Knights ang Stags ng 70-62 panalo noong Lunes.

Ito ang ikatlong sunod na pagkatalo ng tropa ni rookie coach Topex Robinson at pang-apat sa huling limang laro upang magkaroon ng pagdududa sa kakayahan pa ng koponan na makabalik ng Finals sa ikatlong sunod na taon.

Pero hindi binibili ni Knights coach Louie Alas ang mga haka-hakang ito dahil alam niyang totodo ang kalaban para maipanalo ang larong ito.

“Wala kaming advanta­ge kahit nanalo kami sa last game. Nakita naman natin ang ginawa nila sa second game ng San Beda lumaban sila matapos matambakan. Kaya expected ko na ganito rin ang mangyari,” wika ni Alas na nais na ibalik ang koponan sa championship round na huling nangyari noon pang 2007.

Umaasa siyang magpapatuloy ang magandang ball movement ng kanyang bataan bukod pa sa solidong depensa para maisakatuparan ang pangarap na makabalik Finals.

Si Kevin Alas ang pambato niya pero malaki ang maitutulong sa target na panalo kung gagana sina Jam Cortes at Mark Cruz na siyang nagsilbing tinik sa Stags sa fourth period.  

Samantala, magtutuos muna ang Letran Squires at CSB-La Salle Greenhills sa ganap na ika-2 ng hapon at ang mananalo ay aabante sa juniors finals laban sa San Beda.

JAM CORTES

LA SALLE GREENHILLS

LETRAN SQUIRES

LOUIE ALAS

MARK CRUZ

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SHY

SI KEVIN ALAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with