Poca maglalaro sa VP Binay Grand Prix
MANILA, Philippines - Makikipag-agawan na rin si Malvinne ‘Poca’ Alcala para sa fourth leg ng P1-Million VP Binay Grand Prix Badminton Open Championships-PBaRS na nakatakda sa Oktubre 23 sa Powersmash sa Makati.
Hindi sumali ang reigning Singapore at Australian juniors champion sa first at third legs ng torneo dahil sa kanyang paglalaro sa ibang bansa, ngunit inangkin naman niya ang ladies Open singles sa second leg ng Philippine Badminton Ranking System tournament sa Bacolod.
Halos 750 players ang lalahok sa nasabing seven-day tournament, na inihahandog ng MVP Sports Foundation at Robinsons Land.
Ang eliminasyon ay lalaruin sa PowerSmash, habang ang quarterfinals, semifinals at finals ay idaraos alinman sa Philsports Arena o Yñares Sports Arena sa Pasig.
Ang torneo ay inorganisa nina Vice President at Philippine Badminton Association president Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.
- Latest
- Trending