^

PSN Palaro

Ika-4 na NCAA PoW ni Lanete

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Mahihirapan man siya sa labanan para sa Most Va­luable Player sa 87th NCAA men’s basketball, napatunayan naman ni Garvo Lanete na isa siya sa mga mahuhusay na manlalaro sa liga lalo na sa naunang double round eliminasyon.

Sa pang apat na pag­ka­­kataon ay si Lanete ang si­yang pinarangalan mga mamamahayag na kumokober ng liga bilang ACCEL/316 NCAA Press Corps Player of the Week na handog din ng Gatorade matapos igiya ang San Beda sa dalawang matitin­ding panalo laban sa karibal na San Sebastian.

Humirit ang Red Lions ng 91-70 at 99-95 panalo sa dalawang sunod na pa­kikipagtagisan sa Stags at si Lanete ang kanilang na­ging puwersa sa ibinigay na 22 puntos average sa da­lawang tagisan.

Sa playoff tunay na lu­mabas ang husay ni La­nete dahil 27 ang kanyang kinamada at 11 rito ay ibinagsak sa huling yugto.

Si Rome Dela Rosa ay gumana rin sa 17 puntos at 10 rito ay sa huling yugto pero si Lanete pa rin ang nagbida nang ipasok ang ikalima at huling tres na tu­luyang nagbigay ng kala­mangan sa SBC, 87-85.

 “Another big game from Garvo. He had a silent 27 points and nailed the huge three pointer,” wika ni Lions coach Frankie Lim.

 Si Lanete na pinara­ngalan din ng nasabing citation noon nakaraang linggo kasama ang kakamping si Fil-Australian Anthony Semerad ang lumabas na manlalarong may pinakamaraming POW sa taong ito.

Ang MVP ng liga ay si­nasabing hawak na ni Calvin Abueva ng Stags dahil sa stats ito kinukuha pero hindi maiaalis ang makinang na paglalaro ni Lanete dala ng pagkilala ng kahusayan nito mula sa mga mamamahayag.

CALVIN ABUEVA

FIL-AUSTRALIAN ANTHONY SEMERAD

FRANKIE LIM

GARVO LANETE

MOST VA

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

RED LIONS

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with