^

PSN Palaro

FEU, La Salle nanalasa sa table tennis

-

MANILA, Philippines - Nagpasiklab agad ang koponan ng FEU at La Salle nang walisin ang tagisan sa first round sa 74th UAAP table tennis na ginawa sa Blue Eagle Gym nitong nagdaang linggo.

Ang Tamaraws na hari ng 2009 sa kalalakihan ay umani ng 7-0 sweep na kanilang nilagyan ng tuldok sa pamamagitan ng 3-1 panalo laban UP.

Nasa ikalawa naman ang Archers at tinapos ang laro sa unang ikutan sa panalo sa nagdedepensang UST.

Ang UE ang nasa ikatlong puwesto bago sumunod ang UST, UP, Ateneo, NU at Adamson.

Winalis din ng Lady Archers ang labanan sa women’s division at ang huling panalo ay itinala laban sa karibal na host school Ateneo, 3-2.

Nasa ikalawang puwesto ang Lady Maroons sa 5-1 karta, kasama ang 3-2 panalo sa Lady Tigresses habang ang nagdedepensang FEU Lady Tamaraws ay nasa ikatlong puwesto sa 4-2 baraha at huling nanaig sa NU Lady Bulldogs, 3-0.

Ang UE, Ateneo, NU at Adamson ang nasa sumunod na puwesto matapos ang first round.

Ang second round ay lalaruin naman sa Oktubre 1 at 2 sa Ateneo Gym.

vuukle comment

ADAMSON

ANG TAMARAWS

ATENEO

ATENEO GYM

BLUE EAGLE GYM

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY BULLDOGS

LADY MAROONS

LADY TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with